"Tiyak na mabibigo ang anumang tangka ng pagsira sa pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Aprikano sa anumang paraan." Ito ang ipinahayag Pebrero 22, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagbatikos kamakailan ng mga media na dayuhan sa umano'y race discrimination sa 2018 Spring Festival Evening Gala ng Tsina.
Ani Geng, palaging tinututulan ng Tsina ang race discrimination. Aniya, nagiging matibay ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at mga bansang Aprikano, batay sa pangmatagalang magkasamang pagsisikap at pagtutulungan. Nagiging mabunga rin aniya ang pagtutulungan ng dalawang panig batay sa win-win situation na may mutuwal na kapakinabangan.
Dagdag pa niya, tungkol sa relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Aprika, dalawang panig ang mas nakakaalam ng tungkol dito.