"Inaasahang tutupdin ng Timog at Hilagang Korea ang mga may-kinalamang kasunduan para ipagpatuloy ang pagpapasulong ng rekonsilyasyon at pagtutulungan sa Peninsula ng Korea."
Ito ang ipinahayag Marso 7, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pahayag kamakailan ng nasabing dalawang panig hinggil sa pagdaraos ng summit sa katapusan ng Abril ng kasalukuyang taon.
Ani Geng, positibo ang Tsina sa mga mabungang pagpapalitan sa pagitan ng Timog at Hilagang Korea, sa pamamagitan ng Pyeongchang Winter Olympic Games. Ito aniya'y hindi lamang angkop sa komong interes ng mga mamamayan ng peninsula at mga may-kinalamang panig, kundi makakatulong din sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Ipagpapatuloy ng Tsina ang konstrukstibong papel sa usaping ito, dagdag pa niya.