Kinatagpo Abril 12, 2018, sa Beijing nina Li Keqiang, Premiyer ng Tsina at Luhut Binsar Pandjaitan, Sugo ng Pangulong Joko Widodo at Kalihim ng Coordinating Ministry for Maritime Affairs ng Indonesya.
Ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na patuloy na pahigpitin ang pag-uugnay ng Belt and Road Initiative at mga patakaran ng pag-unlad ng Indonesya, pasulungin ang pagdaragdag ng bentahe ng dalawang bansa, paunlarin ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura, pamumuhunan, production capacity, at iba pang larangan.
Ipinahayag naman ni Pandjaitan ang layunin ng pagdalaw niya sa Tsina bilang sugo ng pangulo ay para mapasulong ang pag-uugnay ng mga patakarang gaya ng Regional Integrated Economic Corridor ng Indonesya at Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong pag-unlad, ipahayag ang kahandaang palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig at maisakatuparan ang win-win situation na may mutuwal na kapakinabangan.
salin:Lele