|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ng ministring pangkalakalan ng Indonesya, na daragdagan ng bansa ang pagluluwas ng non oil and gas industries sa taong 2018. Aabot ito sa 11% sa kabuuang pagluluwas ng bansa.
Ayon sa nasabing ministri, ang nasabing pagsasaayos ng bansa ay batay sa pagtaya ng pagsigla ng kabuhayan ng daigdig at pagtaas ng presyo ng karbon sa 2018.
Ayon sa estadistika, lumampas sa 168.7 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Indonesya, noong 2017. Ito ay mas malaki ng 16.2% kumpara sa 2016.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |