Isiniwalat kamakailan ng pamahalaan ng Indonesya, na may pag-asang ayusin, bago ang katapusan ng darating na Abril ng taong ito, ang gawain ng pagkuha ng kinakailangang lupain para sa konstruksyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Rail, na kumakaharap ngayon ng ilang sagabal. Ang pormal na konstruksyon ay inaasahang masimulan sa darating na Mayo.
May 142.3 kilometro ang kabuuang haba ng Jakarta-Bandung High-Speed Rail. Ayon sa pamahalaan ng Indonesya, sa kasalukuyan, nakuha na ang mga lupain para sa 55 kilometrong daambakal, at sa katapusan ng buwang ito, may pag-asang makukuha ang mga lupain para sa natitira pang 45 kilometro.
Ang Jakarta-Bandung High-Speed Rail ay proyekto sa ilalim ng kooperasyon ng Indonesya at Tsina. Sinimulan ito noong 2015, pero hindi pa naitatayo ang daambakal, dahil sa mga gawain ng pagkuha ng lupain.
Salin: Liu Kai