Ipininid Abril 15, 2018 ang Summit ng Liga ng mga Bansang Arabe (AL) sa Dhahran, lunsod sa gawing silangan ng Saudi Arabia.
Sa pahayag na ipinalabas ng summit, nanawagan ito para sa pagsasagawa ng komunidad ng daigdig ng nagsasariling imbestigasyon hinggil sa di-umano'y paggamit ng "sandatang kemikal" ng Syria.
Hinihimok din ng pahayag ang pag-uurong ng lahat tropang dayuhan mula sa Syria, para pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa.
Dumalo sa pagtitipong ito ang mga kinatawan ng mga organisasyong panrehiyon at pandaigdig na kinabibilangan nina Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN; Ahmad Abdoul Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng AL; Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo sa mga Suliraning Pandiplomasiya at Panseguridad; at Moussa Faki, Tagapangulo ng African Union.