Paris — Ginawaran nitong Linggo, Abril 15, 2018, ng Academy of Europe ng parangal na "Honorary Academician" si Ginoong Wen Zhaoan, mangangalakal na Tsino. Ito'y dahil sa kanyang ibinibigay na ambag sa pagpapasulong ng pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Silangan at Kanluran.
Dumalo sa seremonya ng paggagawad ang mahigit isang daang kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo ng Tsina at Pransya. Ipinahayag ni Wen na ang nasabing karangalan ay hindi lamang pagtiyak sa kanyang kontribusyon, kundi isa ring puwersang tagapagpasulong sa kanyang mas aktibong pagpupunyagi sa pagpapalakas ng pagpapalitang Sino-Pranses sa larangan ng siyensiya, kultura, at sining sa hinaharap. Nakahanda aniya siyang patuloy na makapagbigay ng bagong ambag sa pagpapalitang Sino-Pranses.
Salin: Li Feng