|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Lunes, Mayo 29, 2017, kay Jean-Yves Le Drian, Ministrong Panlabas ng Pransya, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na umaasang mataimtim na maisasakatuparan ng dalawang panig ang narating na mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa upang mapanatili ang tunguhin ng mabilis na pag-unlad ng kanilang komprehensibong estratehikong partnership.
Ipinahayag naman ng panig Pranses na mabunga ang estratehikong kooperasyong Pranses-Sino. Aniya, nagiging mas marami ang komong kapakanan at paksa ng dalawang panig.
Nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa pagsasakatuparan ng "Paris Agreement," situwasyon ng Korean Peninsula, at iba pang isyu.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |