Itinaas kamakailan ng Moody's Investors Service ang sovereign rating ng Indonesia sa Baa2. Ito ay isang lebel na pagtaas kumpara sa dating Baa3.
Kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng rating ay malaking bolyum ng kabuhayan, matatag at malakas na paglaki ng kabuhayan, matatag na sistema ng pagbabangko, at mainam na mga patakarang piskal at pinansyal ng Indonesia.
Bilang tugon, ipinahayag ng Bank Indonesia (BI), Bangko Sentral ng bansa, na ang Baa2 ang pinakamataas na rating na ibinigay ng Moody's sa Indonesia, at ipinakita nito ang pagkilala sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa. Anang nasabing bangko, patuloy itong magsisikap, kasama ng pamahalaan para mapatatag ang macro-economy at sistemang pinansyal ng bansa.
Noong 2017, umabot sa 5.07% ang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng Indonesia. Ayon sa pagtaya ng BI, aabot sa 5.1% hanggang 5.5% ang paglaki ng GPD ng bansa sa 2018.
Salin: Jade
Pulido: Mac