Ayon sa sirkular ng Disaster Prevention and Mitigation Department ng Thailand Martes, Abril 17, 2018, sa panahon ng kasalukuyang bakasyon ng Water Festival, 3,560 sakuna ang naganap sa buong bansa, na lumaki ng 1.06% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ipinakikita ng datos na 378 katao ang nasawi sa mga sakuna, na lumaki ng 8.31% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at 3,575 iba pa ang nasugatan, na lumaki ng 2.61%.
Ayon sa imbestigasyon, ang pangunahing dahilan ng mga sakuna ay pagmamaneho habang lasing.
Salin: Vera