Ipinahayag kamakailan ni Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na puspusang pinapasulong ng pamahalaan ang proyekto ng digital economy, inaakit ang pamumuhunan sa high-tech industry, at pinapaunlad ang bagong sibol na technology-intensive industry.
Sa isang simposyum hinggil sa patakaran sa pamumuhunan, sinabi ni Jatusripitak na sinimulan na ng pamahalaan ang paglalatag ng submarine optical fiber cable, upang maging lagusan ng internet sa rehiyon ng Timog-silangang Asya ang Thailand. Samantala, nagpupunyagi ang pamahalaan sa pagtatatag ng innovative economic corridor sa dakong silangan ng bansa.
Ang mga proyekto ng pamumuhunan sa east economic corridor ay may kinalaman sa mga larangang gaya ng high-speed railway, puwerto, digital infrastructure, agrikultura at bio-technology, food processing, turismo, robotics, gamot at pampalakas ng katawan, at information technology.
Ayon sa salaysay, inilunsad ng pamahalaang Thai ang isang serye ng mga hakbangin para akitin ang pamumuhunan at mga talento. Ang mga hakbanging ito ay kinabibilangan ng pagtanggal ng 10 taon na enterprise income tax, pagpapalugit ng visa ng mga tauhang propesyonal at mamumuhunan, paghimok ng pagtatatag ng institusyong pang-edukasyon sa rehiyon ng economic corridor at iba pa.
Salin: Vera