|
||||||||
|
||
China Cultural Center in Bangkok — Idinaos nitong Sabado, Marso 24, 2018, ang talakayan at simposyum na pinamagatang "Pagtuklas sa Tsina, Katuturang Pandaigdig ng Landas ng Tsina."
Bumigkas ng talumpating pinamagatang "Katuturang Pandaigdig ng Landas ng Tsina" si Zhang Weiwei, Puno ng Instituto sa Tsina ng Fudan University. Samantala, sa kanya namang talumpating pinamagatang "Pag-unlad ng Tsina sa Mata ng Thailand," inilahad ni Surasit Thanadtang, Puno ng Sentro ng Pananaliksik sa Estratehikong Kooperasyong Thai-Sino ng Pambansang Instituto ng Thailand ang atityud ng mga mamamayan at lipunang Thai sa pag-unlad ng Tsina.
Ang nasabing aktibidad ay magkasamang itinaguyod ng Embahadang Tsino sa Thailand, at Pambansang Instituto ng Thailand na dinaluhan ng mahigit 200 panauhin at mamamayang lokal. Layon nitong pasulungin ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Thailand, at palalimin ang kaalaman ng mga iskolar at mamamayang Thai sa pulitikang Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |