Ipinahayag Abril 17, 2018 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kasalukuyang trade frictions ng Tsina at Amerika ay nagsisilbing labanan sa pagitan ng multilateralismo at unilateralismo, at global free trade at global protectionism.
Ani Hua, kamakailan, sa mga diyalogong pangkabuhayan ng Tsina at Hapon, at Tsina at India, kapwa ipinahayag ng Hapon at India ang suporta sa multilateral na sistemang pangkalakalan, at masusing puwesto ng World Trade Organization sa malayang sistemang pangkalakalan ng daigdig. Samantala, ipinahayag din aniya ng mga lider ng bansa't organisasyon sa daigdig ang katulad na palagay.
Ipinahayag ni Hua na sa pakikipagtagpo sa Beijing kay Klaus Schwab, Tagapangulo ng World Economic Forum(WEF) kahapon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na marami ang isyu at hamong kinakaharap ng daigdig, at dapat pahigpitin ang pantay-pantay na konsultasyon at multilateral na kooperasyon para rito. Umaasa aniya siyang isasabalikat ng mga malaking bansa sa daigdig ang mas maraming responsibilidad sa usaping ito. Bilang responsableng malaking bansa sa daigdig, nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig para pahigpitin ang pagbubukas sa labas at pagtutulungan para isakatuparan ang win-win situation, at gumanap ng konstruktibong papel para sa matatag at magandang prospek ng daigdig.