Kaugnay ng pagsasagawa ng Amerika ng pagkontrol sa pag-aangkat ng mga produkto ng bakal at aluminium, muling ipinahayag Marso 19, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang mapangangalagaan ang mga regulasyon ng World Trade Organization(WTO) at market economy, sa pamamagitan ng negosasyon.
Ani Hua, matatag at maliwanag ang paninindigan ng Tsina sa usaping ito. Umaasa aniya ang Tsina na isasagawa ng ibat-ibang panig ang konstruktibong pagpapalitan para magkasamang pangalagaan ang mga regulasyon ng WTO at market economy, at kaayusang pangkalakalan ng daigdig.