Ipinahayag Marso 19, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagsisilbing isa sa mga mahalagang bansa sa daigdig na nagtatagumpay sa pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip ang Tsina. Binigyang-diin ni Hua na buong tatag na nagsisikap ang bansa para pasulungin ang estratehiyang pangkaunlaran sa pamamagitan ng inobasyon.
Ani Hua, ayon sa pinakahuling estadistika ng World Intellectual Property Organization (WIPO), ang bilang ng mga patent application sa Tsina ay mas marami na kaysa sa pinagsamang dami ng mga patent sa Amerika, Unyong Europeo, Hapon at Timog Korea. Aniya, ipinahayag ni Ginoong Francis Gurry, Direktor Heneral ng WIPO na, ang Tsina ay magsisilbing huwaran sa inobasyon ng buong mundo.