Magkasamang lumagda nitong Miyerkules, Abril 18, 2018 ang Tsina at Thailand sa kasunduang pangkooperasyon ng unang grupong proyekto ng panig Thai sa Lancang-Mekong Cooperation (LMC).
Ayon sa kasunduang ito, bibigyan ng panig Tsino ng pondo ang panig Thai sa pagsasagawa ng apat na proyektong kinabibilangan ng magkasamang pagpapaunlad ng transnasyonal na espesyal na sonang ekonomiko, pag-u-upgrade at pagbabago ng mga instalasyong pangkalakalan at lohistiko sa hanggahan, Lancang-Mekong Business Forum, at pagpapaunlad ng e-commerce sa kanayunan sa sub-region.
Sa seremonya ng paglalagda, sinabi ni Lü Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, na ang LMC ay unang sub-rehiyonal na mekanismong pangkooperasyon na sarilinang nilikha ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River. Aniya, nitong dalawang taong nakalipas, nakakapaghatid ito ng mga aktuwal na kapakanan para sa mga kasaping bansa at pag-unlad ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng