|
||||||||
|
||
Hanoi, Biyetnam — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Marso 31, 2018, kay Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagkakasundo ng mga lider ng dalawang partido at bansa tungkol sa pagtatatag ng komunidad ng kapalaran ng Tsina at Laos na may estratehikong katuturan, ay nakakapagbigay ng patnubay sa pag-unlad ng kanilang relasyon sa hinaharap.
Ipinahayag ni Wang na ang Tsina at Laos ay kapwa bansang tagapangulo ng "Lancang-Mekong Cooperation (LMC)." Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Lao upang mapasulong ang pagtatamo ng LMC ng mas malaking pag-unlad.
Dagdag pa niya, ang Laos ay mahalagang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nananalig ang Tsina na patuloy na patitingkarin ng Laos ang positibong papel sa proseso ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, aniya.
Sinabi naman ni Thongloun na noong isang taon, natamo ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa ang mahalagang bunga. Aniya, totohanang nakikinabang ang mga mamamayang Lao sa magkakasamang pagtatatag ng "Belt and Road." Umaasa ang Laos na mapapanatili ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Tsina sa mataas na antas para patuloy na mapasulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng konektibidad, aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |