|
||||||||
|
||
Hanoi, Biyetnam — Ipininid nitong Sabado, Marso 31, 2018, ang Ika-6 na Pulong ng mga Lider ng Greater Mekong Subregion (GMS) Economic Cooperation. Pinagtibay sa pulong ang maraming dokumentong kinabibilangan ng "Balangkas ng Pamumuhunang Panrehiyon sa 2022" at iba pa.
Kabilang sa nasabing dokumento ay 227 investment at technical assistance project na nagkakahalaga ng halos 66 na bilyong dolyares.
Ang tema ng nasabing pulong ay "Pagpapatingkad ng Bisang Pangkooperasyon sa 25 Taon, Pagtatatag ng Sustenable, Nagkakaisa, at Masaganang GMS." Ito'y dinaluhan ng mga lider mula Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam, at mga kinatawan ng Asian Development Bank (ADB), World Bank (WB), Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at iba pang organo.
Ayon sa ulat, ang susunod na GMS Economic Cooperation Leaders' Meeting ay gaganapin sa Cambodia sa 2021.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |