SINABI ni Secretary Alan Peter Cayetano na kikilos sa pamamagitan ng diplomatikong paraan ang Pilipinas kung mapatutunayang mayroong mga eroplanong Tsino sa Mischief Reef sa South China Sea.
Isang pahayagan ang naglathala ng larawan na nagpapakita ng dalawang eroplanong pangkargamento ng Tsina na nasa Mischief Reef na kilala sa pangalang Panganiban Reef na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Nakita ang mga eroplano sa larawang kuha noong ika-anim ng Enero na mayroong dalawang Xian Y-7 military planes na may 20 hanggang 50 metro ang layo sa isa't isa sa may Runway 21 ng Mischief Reef.
Magkakaroon umano ng diplomatic action, dagdag pa ni G. Cayetano. Maghihintay na lamang siya ng dagdag na impormasyon mula sa militar ng Pilipinas.