|
||||||||
|
||
SINABI ni dating Health Secretary Janette Garin na malinis ang kanyang konsensya at handa siyang harapin ang mga akusasyong naglalahad na mayroong iregularidad sa Dengvaxia vaccine purchase.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ng huling kalihim ng Kalusugan ni dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kahit ang mga anak niya ay nabakunahan ng kontrobesyal na produkto ng Sanofi ay maayos naman ang kalagayan ng mga ito.
MALINIS ANG AKING KONSENSYA. Ipinaliwanag ni dating Health Secretary Janette Garin na walang irregular o labag sa batas sa pagbili ng Dengvaxia vaccine. ito ang kanyang paliwanag sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.
Naniniwala si Dr. Garin na maling impormasyon ang nakarating sa kaalaman ni Senador Richard Gordon kaya't kakaiba ang lumabas matapos ang serye ng mga pagsisiyasat.
Niliwanag din ni Dr. Garin na kawalan ng kakayahan ang dahilan kaya't tinanggihan ng Commission on Appointments na hirangin bilang Kalihim ng Kalusugan si Dr. Jean Ubial. Ipinagtataka lamang ni Dr. Garin kung bakit hindi isinama sa mga inirekomendang ipagsakdal ng Senate Blue Ribbon Committee ang unang Secretary of Health ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inamin din ni Dr. Garin na consultant nga siya ni Speaker Pantaleon Alvarez subalit limitado lamang ito sa isyu ng reproductive health.
Tinanggihan din ni Dr. Garin ang paratang na may nakinabang sa P 3.5 bilyong ibinili ng bakuna.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |