NAGBABALA ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources sa higit sa 100 mga resort sa Bicol. Binalaan ang may 40 resort sa Camarines Sur, 32 sa Albay, 20 sa Sorsogon, 17 sa Camarines Norte at tig-siyam sa Masbate at Catanduanes.
Wala umanong mga kaukulang permiso at mga dokumento ang mga resort na ito. Ipinaliwanag ng Department of Environment and Natural Resources na kailangang sumunod ang resort operators sapagkat ang paglabag ay mangangahulugan ng pagpapasara.