Muling ipinahayag Abril 18, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap sa gagawing direktang pag-uusap ng Amerika at Hilagang Korea. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pagganap ng konstruktibong papel para pasulungin ang mapayapang paglutas sa isyu ng Peninsula ng Korea.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa posibleng pakikipag-usap kay Kataas-taasang lider Kim Jong-un ng Hilagang Korea sa unang dako ng Hunyo o mas maaga pa.
Ipinahayag ni Hua ang pag-asang palalawakin ang komong palagay ng Amerika at Hilagang Korea, batay sa balangkas ng "dual track" para maisakatuparan ang denuclearization ng peninsula at maitatag ang mekanismong pangkapayapaan ng peninsula, para isakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan dito.
Ani Hua, bilang kapitbansa ng Peninsula ng Korea, kinakatigan ng Tsina ang lahat ng mga aktibidad na makakatulong sa mapayapang paglutas sa isyu ng peninsula. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na gumanap ng konstruktibong papel sa usaping ito.