|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang mga pamantayan ng resiprosidad ay hindi dapat pagpasiyahan ng iisang panig lamang, at sa halip, kailangang itakda, sa pamamagitan ng pantay na negosasyon ng lahat ng mga may kinalamang panig, at kailangan ding sundin ng lahat.
Winika ito ni Hua sa regular na preskon Huwebes, Abril 19, 2018, bilang tugon sa pananalita ni Pangulong Donald Trump hinggil sa taripa sa sasaksayang de motor ng Tsina at Amerika. Nang humarap sa press si Trump, kasama ni Punong Ministro Shinzo Abe, Abril 18, sinabi niyang 2.5% ang tariff rate sa mga kotse ng Tsina samantalang 25% ang tariff rate sa mga kotseng Amerikano. Katumbas o "resiprokal" aniya ang pangunahing salita na gagamitin ng Amerika sa kalakalan sa Tsina.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua na walang saysay ang isa simpleng paghahambing ng mga taripa ng Tsina at Amerika. Ipinaliwanag ng tagapagsalitang Tsino na una, sa kabila ng 2.5% taripa ng Amerika sa mga behikulong pampasahero, 25% ang rate para sa mga inaangkat na truck; pangalawa, ang 25% taripa ng Tsina ay ipinataw sa mga "finished automobile" at 10% lamang ang rate para sa mga piyesa; pangatlo, karamihan sa mga sasakyang de motor ng Amerika na ibinebenta sa Tsina ay ginawa ng mga sangay ng US car-maker sa Tsina: halimbawa, noong 2017, apat na milyong behikulo ang ipinagbili sa Tsina ng General Motors ng Amerika; at ang halaga ng pagbebenta ng Cadillac sa Tsina ay mas malaki kaysa sa Amerika. Bukod dito, noong 2017, 280,000 finished automobile ang iniluwas ng Amerika sa Tsina, samantalang 53,000 lamang ang iniluwas ng Tsina sa Amerika.
Batay sa nasabing mga datos, makatwirang masasabing ang mga car-maker ng Amerika ay umani ng malaking debidendo sa Tsina, dagdag pa ni Hua.
Nauna rito, sinipi rin ni Hua ang ulat na ipinalabas ng Brookings Institution na nagsasabing ang alitang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina't Amerika ay maaaring magsapanganib ng 2.1 milyong trabaho sa 2,700 American counties.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |