Beijing, Tsina—Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa bagong presidente ng Cuba na si Miguel Diaz-Canel makaraang mahalal siya, Huwebes, Abril 19, 2018 (Beijing/Manila time).
Sinabi ni Xi na bilang magkaibigan at magkapartner na may katulad na tadhana, kapuwa nagkakaroon ang Tsina at Cuba ng bagong simula para sa pag-unlad, sa ilalim ng masalimuot na pagbabagong panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda aniya rin ang pangulong Tsino na magsikap, kasama ni Diaz-Canel, para mapalalim at mapalawak ang pagtutulungan ng dalawang bansa.
Bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinaabot din ni Xi ang mensaheng pambati kay Raul Castro. Si Castro ay patuloy na manunungkulan bilang Unang Kalihim ng Komite Sentral ng Communist Party of Cuba. Nang araw rin iyon, ipinadala rin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensaheng pambati kay Diaz-Canel.
Salin: Jade
Pulido: Mac