Ipinahayag Abril 19, 2018 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagsuporta sa maagang pagwawakas ng kalagayang pandigma sa Peninsula ng Korea. Nakahanda aniya ang Tsina na gumawa ng positibong papel sa pagtatatag ng mekanismong pangkapayapaan ng peninsula.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea na nakatakdang itong makipag-usap sa Hilagang Korea hinggil sa paglalabas ng deklarasyon ng tigil-digmaan, at pagtatatag ng pangmatagalang mekanismong pangkapayapaan sa peninsula. Ani Hua, ang pagpapasulong ng denuclearization at pagtatatag ng mekanismong pangkapayapaan sa Peninsula ng Korea batay sa kaisipan ng "dual track" ay magsisilbing mabisang paraan sa totohanang paglutas sa isyu ng peninsula. Aniya, bilang direktang may-kinalamang panig sa isyu ng peninsula, nakahanda ang Tsina na gumanap ng positibong papel para maisakatuparan ang naturang tigil-digmaan.