Sa aktibidad na idinaos ngayong araw, Martes, ika-24 ng Abril 2018, sa Harbin, lunsod sa hilagang silangang Tsina, bilang pagdiriwang sa Araw ng Kalawakan ng bansa, isinalaysay ni Wu Yanhua, Pangalawang Puno ng China National Space Administration, na sa taong ito, isasagawa ang dalawang beses na paglulunsad ng Chang'e-4 lunar probe mission: una, ilulunsad sa darating na Mayo ang isang communication relay satellite na may code name na "Queqiao"; at ikalawa, ilulunsad sa katapusan ng taong ito ang Chang'e-4 lunar lander at rover.
Ayon kay Wu, dahil lalapag ang Chang'e-4 lunar lander at rover sa far side ng Buwan, kakailanganin ang satellite na maghahatid ng mga signal sa pagitan ng lander/rover at Earth station. Ang Chang'e-4 mission ay magiging kauna-unahang paglapag at paggagalugad ng sangkatauhan sa far side ng Buwan, dagdag niya.
Ayon pa rin kay Wu, ang Chang'e-4 ay may lulang mga instrumento ng 4 na bansang dayuhan na gaya ng Alemanya, Netherlands, Saudi Arabia at, Sweden, para sa mga siyentipikong pananaliksik.
Salin: Liu Kai