Nakipagtagpo Abril 23, 2018 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Rusya na si Sergei Lavrov.
Sa pagtatagpo, ipina-abot ni Pangulong Xi ang pagbati kay Pangulong Vladimir Putin. Binigyang diin niyang ang pagpapanatili ng pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa mataas na antas ay nagsisilbing kayamanan ng dalawang bansa. Aniya, kasalukuyang nananatiling mainam ang tunguhing pangkaunlaran ng estratehikong partnership ng Tsina at Rusya sa ibat-ibang larangan. Nananalig aniya siyang magtatamo ng bagong tagumpay ang relasyong Sino-Ruso, batay sa magkasamang pagsisikap ng dalawang panig.
Ipina-abot din ni Lavrov ang pagbati kay Pangulong Xi Jinping mula kay Pangulong Vladimir Putin. Ipinahayag niyang pinahahalagahan ng Rusya ang komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina, at handa nitong palalimin pa ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Aniya, kapuwa positibo ang dalawang panig sa pandaigdigang batas, Karta ng United Nations, at ibayong pagpapahigpit ng koordinasyon sa ilalim ng multilateral na balangkas.