Kinatagpo Abril 23, 2018 sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga ministrong pandepensa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Ito ang kauna-unahang pulong ng mga ministrong pandepensa ng SCO, pagkaraang tanggapin ng organisasyon ang mga karagdagang miyembro.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Pangulong Xi na tiyak na magdudulot ng bagong kasiglahan ang pagtitipong ito sa pag-unlad ng SCO.
Ipinahayag ng Pangulong Tsino, na buong tatag na tumatahak at tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad. Aniya, bilang tagapagtatag ng kapayapaan ng daigdig, tagapag-ambag ng kaunlaran ng mundo, at tagasuporta ng kaayusang pandaigdig, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng ibat-ibang bansa para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Sa ngalan naman ng kanyang mga counterpart sa SCO, ipinahayag ni Ministrong Pandepensa Sergey Shoygu ng Rusya ang paghanga sa tagumpay na natamo ng Tsina sa pag-unlad at konstruksyong pandepensa ng bansa. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng suporta ng mga kataas-taasang lider ng SCO, gaganap ng mas mahalagang papel ang organisasyon sa pangangalaga sa estratehikong interes ng mga mga kasapi nito, at kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig.