Ayon sa pahayag na inilabas Martes, Abril 24, 2018 ng World Trade Organization (WTO), humiling ang Unyong Europeo (EU) na lumahok ito sa talastasan sa pagitan ng Tsina at Amerika hinggil sa pagpapataw ng mga taripa ng huli sa una sa bakal at aluminyo.
Sa kabila ng pagtutol mula sa mga grupo ng negosyo at trade partner sa daigdig, pinirmahan Marso 8, 2018, ni Pangulong Donald Trump ang proklamasyon, para ipataw ang 25% taripa sa inaangkat na bakal at 10% taripa sa aluminyo. Noong Abril 5, iniharap ng Tsina ang kahilingan sa pakikipag-usap sa Amerika, sa ilalim ng mekanismo ng paghawak sa alitan ng WTO.
Gayunpaman, hanggang Mayo 1, 2018, nagbibiagya ng eksempsyon ang Amerika sa nasabing mga produkto sa EU, Argentina, Australia, Brazil, Canada, Mexico at Timog Korea.
Sa kahilingan sa United States, Tsina at Mekanismo ng WTO sa Dispute Settlement, sinabi ng EU na kung hindi ipagpapatuloy ang nasabing eksempsyon, lubos na makakapinsala sa pagluluwas ng EU ang mga hakbang ng Amerika. Ang EU ang pinakamalaking tagapagluwas ng bakal at aluminyo sa Amerika.
Salin: Jade
Pulido: Rhio