|
||||||||
|
||
TATLO katao ang dumulog sa Korte Suprema na humihiling na patigilin ang pagpapasara sa Boracay. Ipinagtatanong nila kung ayon ba sa batas ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo pa't magkakaroon ito ng matinding dagok sa mga manggagawa at mga naninirahan sa pulo.
Sa 29 na pahinang petisyon na humihiling ng pagbabawal, ang mga nagpetisyon, kinabibilangan ng dalawang manggagawa at isang madalas dumalaw sa Boracay, humiling sila ng termporary restraining order at writ of preliminary injunction na magbabawal sa pamahalaang isara ang Boracay.
Umabuso at nahigitan ng pangulo ang itinatadhana ng saligang batas. Ginawa ni G. Duterte ang gawain ng lehislatura at paglabag sa separation of powers sa ilalim ng Saligang Batas.
Tinulungan ang mga nagpetisyon ng National Union of People's Lawyers. Ayon sa mga nagpetisyon, nilabag ni G. Duterte ang karapatan ng mga turista at mga hindi taga-Boracay na maglakbay at pagkakaroon ng due process.
Isa sa mga nagpetisyon ang gumagawa ng mga kastilyong buhangin sa Boracay samantalang ang isa ay tsuper ng mga turista na umano'y nawalan ng hanapbuhay sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga panauhin sa pook.
Pinasasagot sa sumbong sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |