Kratie, Kambodya—Miyerkules, Abril 25, 2018, idinaos ang seremonya ng pagsasaoperasyon ng Kratie University na itinatag sa ilalim ng tulong ng Tsina.
Kalahok sa seremonya ang mga opisyal ng Tsina at Kambodya, mamamayang lokal, guro at estudyante. Magkasamang ginupit nina Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya, at Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya ang ribbon bilang simbolo ng opisyal na pagbubukas ng paaralan.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, pinasalamatan ni Hun Sen ang ibinigay na tulong ng Tsina sa pagtatatag ng nasabing unibersidad. Aniya, ito ay gagawa ng mahalagang ambag para sa pag-unlad ng edukasyon ng mga talento ng kanyang bansa.
Ang Kratie University ay unang komprehensibong unibersidad na pampubliko sa dakong hilagang silangan ng Kambodya. Ituturo ng nasabing unibersidad ang mga espesyalidad sa agrikultura, pagpoprosesong agrikultural, pananaliksik sa industriya ng pangingisda, lengguwaheng dayuhan, information technology at iba pa.
Salin: Vera