Ayon sa ulat na isinapubliko kamakailan ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO), noong 2017, lumabas na pinakamalaki ang ambag ng mga turistang Tsino sa pandaigdigang pamilihan ng turismo.
Tinukoy ng ulat na noong isang taon, mabilis ang paglago ng pandaigdigang pamilihan ng paglalakbay sa ibayong dagat, bagay na nagpapakita ng pagbangon sa takdang digri ng kabuhayang pandaigdig, at pagsigla ng pangangailangan ng mga turista. Noong 2017, umabot sa 258 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng konsumo ng paglalakbay sa ibayong dagat ng Tsina, na nanguna sa buong mundo. Pumangalawa ang Estados Unidos na 135 bilyong dolyares, at kasunod nito ay Alemanya, Britanya at Pransya.
May kabilisan din ang paglago ng outbound tourism ng mga bansang kabilang sa BRICS na gaya ng Brazil, Rusya at India. Kabilang dito, lumaki ng 20% ang konsumo ng mga turista ng Brazil sa ibayong dagat kumpara sa taong 2016.
Ipinakikita rin ng datos ng UNWTO na sa kasalukuyan, 1/10 ng hanap-buhay sa buong mundo ay direkta o di-direktang nilikha ng turismo, at mahalaga ang papel nito para sa pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera