Nagtagpo ngayong umaga sina Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea (DPRK) at Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea (ROK) sa Panmunjom, nayon sa hanggahan ng dalawang bansa. Pagkatapos, nag-usap ang dalawang lider sa Peace House na matatagpuan sa panig ng Timog Korea.
Ayon sa pahayag ng palasyong pampanguluhan ng Timog Korea, ang nukleo ng nasabing pag-uusap ay denuclearization ng Korean Peninsula at pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan sa peninsula.
Ito ang ikatlong summit sa pagitan ng Hilaga't Timog Korea. Ang una at ikalawang summit ay idinaos sa Pyongyang, kabisera ng Hilagang Korea, noong 2000 at 2007, ayon sa pagkakasunod.
Salin: Jade
Pulido: Rhio