Ipinahayag ni James Mattis, Kalihim ng Tanggulang-bansa ng Estados Unidos na sa kasalukuyan, itinuturing pa rin ng kanyang bansa ang paraang diplomatiko bilang pangunahing kalutasan sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Sa isang preskon kamakawala, Biyernes, Disyembre 29, 2017, sinabi ni Mattis na kasabay ng mga isinasagawang hakbanging diplomatiko at ekonomiko ng kanyang bansa, sa kalagitnaan ng Enero, 2018, makikipag-usap si Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika sa ibang mga may kinalaman bansa sa Canada hinggil sa paglutas sa nasabing isyu sa susunod na yugto.
Ito aniya ay katunayan ng nabanggit na paninindigan ng Amerika.
Salin: Jade