Ipinahayag kamakailan ni Robert Maxim, nakatataas na tagapag-analisa ng Brookings Institution, bantog na think tank ng Amerika, na batay sa pag-aaral ng kanyang organo, pagkaraang magkabisa ang mga hakbangin ng Tsina bilang tugon sa pagpataw ng pamahalaan ni Donald Trump ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsino, maaapektuhan ang halos 2 milyong trabaho sa buong Amerika.
Bukod dito, sinabi ni Maxim, na ang mga resulta sa panig Amerikano, na dulot ng kasalukuyang alitang pangkalakalan ng Amerika at Tsina ay kinabibilangan din ng pagtaas ng presyo ng mga bilhin at pagbawas ng pagluluwas sa Tsina.
Ipinalalagay din ni Maxim, na ang talastasan ay pinal na solusyon sa kasalukuyang alitan, at isinagawa minsan ng mga nagdaang pamahalaang Amerikano ang mga mabisang talastasan sa Tsina. Dapat aniya bumalik ang pamahalaan ni Trump sa talastasan sa Tsina hinggil sa isyung pangkalakalan.
Salin: Liu Kai