Dahil sa pagsasaalang-alang ng pamahalaang Amerikano sa pagpataw pa ng karagdagang taripa sa mga aangkating produktong Tsino na nagkakahalaga ng 100 bilyong Dolyares, lumalakas ang pananakot ng mga mamumuhunan sa pagsiklab ng malawak na alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika.
Bunsod nito, naranasan kahapon, Biyernes, ika-6 ng Abril 2018, ng tatlong pangunahing stock index ng Wall Street ang malaking pagbaba, na pawang lumampas sa 2%.
Ipinalalagay ng mga dayuhang tagapag-analisa, na ang paulit-ulit na pagpapasidhi ng pamahalaan ni Donald Trump ng alitang pangkalakalan sa Tsina, ay hindi makakatulong sa pagbabawas ng trade deficit ng Amerika, at magdudulot din ng kawalang-katatagan sa pamilihang pinansyal. Anila pa, ang ganitong aksyon ng unilateralismo at proteksyonisong pangkalakalan ay makakapinsala sa kabuhayang Amerikano at maging sa kabuhayang pandaigdig, at makakaapekto sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai