|
||||||||
|
||
MANANATILING matatag ang kaunlaran sa ASEAN at sa tatlong bansang kinabibilangan ng Tsina, Japan at Korea sa taong ito at sa susunod na taon.
Ito ang pananaw ng ASEAN + 3 Macroeconomic Research Office (AMRO) sa katayuan ng mga bansang kabilang sa komunidad.
Kahit mangangailangan para sa pamilihan sa loob ng mga bansang kabilang sa ASEAN at tatlong iba pang bansa, nahaharap ang rehiyon sa mga panganib tulad ng paghihigpit ng pananalapi sa daigdig sa pangunguna ng U. S. Federal System sa larangan ng interest at ang pagtindi ng pandaigdigang kalakalan.
MATATAG ANG KAUNLARAN NG ASEAN + 3. Ito ang sinabi ng Chief Economist ng AMRO, Dr. Hoe Ee Khor sa paglulunsad ng Economic Outlook kanina. (AMRO Photo)
Ayon kay Dr. Hoe Ee Khor, chief economist ng AMRO, sa pagpapanatili ng external demand, magiging matatag ang pangrehiyong kaunlaran sa 5.4% sa taong ito at 5.2% sa susunod na taon.
Sa panganib na hinaharap ng rehiyon kailangang tumugon ang mga bumubuo ng batas at mga regulasyon.
Nanganganib din ang rehiyon sa pagkakaroon ng teknolohiya. "Capital-intensive" ang mga ito kasabay ng pagkakaroon ng skills intensive manufacturing trends."
May posibilidad na hindi na kumuha ng maraming manggagawa ang mga kumpanya.
Kailangang paghusayan ng mga bansa ang kanilang mga kakayahan, dagdag pa ng AMRO,
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |