Tokyo, Hapon--Sa kanyang paglahok sa Ika-7 Pulong ng mga Lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea ngayong umaga, nanawagan si kalahok na Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pagpapabilis ng talastasan hinggil sa Kasunduan sa Malayang Kalakalan (FTA) ng tatlong bansa at Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Ang RCEP ay mekanismo ng kasunduan ng malayang kalakalan (FTA) sa pagitan ng 10 bansang ASEAN at mga FTA partner nito na kinabibilangan ng China, Australia, India, Japan, South Korea at New Zealand.
Ito aniya ay hindi lamang makakatulong sa pagtakda ng blueprint ng East Asia Economic Community, nagsisilbi rin itong suporta sa multilateral na malayang kalakalan.
Salin:Jade
Pulido: Mac