|
||||||||
|
||
Tokyo, Japan—Makaraang idaos ang Ika-7 Pulong ng mga Lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea (ROK), magkakasamang humarap sa media Miyerkules, Mayo 9, 2018 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea.
Sang-ayon ang tatlong puno na batay sa kanilang napagkasunduan sa katatapos na pulong, pasusulungin pa ang relasyon ng tatlong bansa tungo sa malusog, matatag, sustenable at inklusibong pag-unlad. Magkakasama rin nilang pangangalagaan ang kapayapaan ng Korean Peninsula at rehiyon.
Sumang-ayon din silang mas proaktibong pasulungin ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at puhunan, at sa prosesong ito, pabibilisin ang talastasan hinggil sa trilateral na free trade agreement (FTA) at talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Sa ilalim ng pagtatatag ng mekanismong pangkooperasyon ng Tsina, Hapon, Timog Korea plus X, nakahanda anila silang makipagtulungan sa ikaapat na panig.
Nakahanda rin silang pasusulungin pa ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura at pantao.
Lumahok din ang tatlong lider sa Ika-6 na Summit sa Negosyo ng tatlong bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |