|
||||||||
|
||
Pagtitiwalaang pulitikal, palalakasin
Anang dalawang lider, ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Hapones ay angkop sa kapananan ng dalawang bansa, at makakabuti rin ito sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon. Sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng paglagda ng dalawang bansa sa Tratado ng Kapayapaan at Pagkakaibigan na natatapat ngayong taon, kailangan anilang sariwain ang diwa ng nasabing tratado para pagtibayin ang pundasyong pulitikal ng bilateral na ugnayan.
Nangako rin ang Tsina't Hapon na tumalima sa apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa, at maayos na hawakan ang mga sensitibong isyu na gaya ng isyung pangkasaysayan at isyu ng Taiwan. Patutunayan din nila, sa pamamagitan ng aksyon, ang narating na pagkakasundong pulitikal na nagsisilbing magkatuwang na pangkooperasyon, sa halip na magsilbing banta sa isa't isa.
Kooperasyon sa ibang sektor, pahahalagahan
Kasabay ng pagpapalakas ng pagtitiwalaang pulitikal, sumang-ayon din ang dalawang bansa na pasusulungin ang pagtutulungan sa pinansya, pagtitipid sa enerhiya, hay-tek, sharing economy, serbisyong medikal, pag-aaruga sa matatanda, pamahalaang lokal, at iba pa.
Sang-ayon din silang pahigpitin ang people-to-people exchange.
Mga dokumentong pangkooperasyon, pinirmahan
Tumayong-saksi ang dalawang punong ministro sa paglagda sa serye ng dokumentong pangkooperasyon na may kinalaman sa kultura, pampublikong kalusugan, kalakalan sa serbisyo, pamilihan ng ikatlong panig, mekanismo ng ugnayang panghimpapawid at pandagat.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |