Tokyo, Hapon--Nilagdaan Miyerkules, Mayo 9, 2018 ng Tsina at Hapon ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa Pagpapalakas ng Pagtutulungan sa Kalakalan sa Serbisyo at MOU sa Pagtutulungan na may kinalaman sa Pamilihan ng Ikatlong Panig o third-party market.
Ayon sa nasabing mga MOU, nagpasiya ang dalawang bansa na itatag ang mekanismo ng pagtutulungan hinggil sa kalakalan sa serbisyo, kasabay nito, itatatag din ang mekanismo ng pagtutulungan hinggil sa pamilihan ng ikatlong panig at idaraos ang may kinalamang porum.
Tumayong-saksi sa seremonya ng paglalagda sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio