|
||||||||
|
||
IBINALITA ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na lumago ng 6.8 percent ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2018 at nakamtan ang ikasampung quarter na lumago ng higit sa 6.5 percent ang ekonomiya.
Ayon umano ito sa inaasahan sapagkat marami na ang nagsabing umabot sa 6.8 hanggang 6.9 percent at malapit na sa growth target sa buong taon na 7.0 percent haggang 8.0 percent ngayong 2018.
Kung hindi umano sa unang tatlong buwan ng 2017 hanggang sa unang tatlong buwan ng 2018 inflation rate, ang real growth ng Gross Domestic product ay mapapagitan sa 7.0 hanggang 8.0 percent.
Ang inflation ang siyang nanira kaya't pinagtutuunan ng pansin ang inflation sapagkat ikinababahala ito ng mga mamamayn ayon sa mga ginawang survey ng Social Weather Stations at Pulse Asia.
Ang Pilipinas ay pangatlo sa 7.4 percent ng Vietnam at kahalintulad ng Tsina sa 7.4 percent at nakaangat sa Indonesia na nagkaroon ng 5.1 percent frowth.
Tama umano ang mga repormang ipinatutupad ng bansa,
Malakas naman ang public construction, government consumption at capital formation na nagpapakitang nagbubunga na ang mga repormang ipinatutupad at lumalakas ang epekto ng infrastructure development.
Kahit umano gumaganda ang kalakaran sa pamilihan, nabawasan ang private consumption sa 5.6 percent dahil sa tumataas na inflation, at ng interest rates at pagbabawas ng gastos ng mga mamamayan,
Humina rin ang external demand at ang kaunlaran sa export goods ay umabot lamang sa 2.9 percent matapos magkaroon ng patuloy na kaunlaran sa 21.1 percent noong 2017. Ang net exports ay bumaba sa unang tatlong buwan ng 2018 kaya't nararapat bantayan ito.
Sa supply side ng ekonomiya, ang 7.9 percent na kaunlaran sa industriya ay naganap sa pamamagitan ng manufacturing at construction sub-sectors na nagpatuloy lumago sa mas mabilis ng paglawak ng mga gawaing pambayan. Gumaganda rin ang ekonomiya dahil sa Build, Build, Build program ng pamahalaan.
Lumago rin ang services sector ng may 7.0 percent subalit huminang muli ang kaunlaran sa agrikultura at nakamtan ang 1.5 percent matapos makabawi sa El Nino noong nakalipas na taon. Bumagsak din ang fishing subsector ng may 3.7 percent, ang ikaapat na sunod na kuwarter.
Lumago ang palay production ng may 4.6 percent samantalang ang corn production ay lumago ng 4.7 percent. Mataas pa rin ang presyo ng mga produktong ito. Kailangang masuri at mabatid ang tunay na larawan ng pagsasaka sa bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |