Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Indonesia, sinabi Martes, Enero 23, 2017 sa Jakarta ni James Mattis, Kalihim ng Depensa ng Estados Unidos, na magaling ang gawain ng Indonesia sa paglaban sa terorismo, at palalawakin ng Amerika ang kooperasyon nila ng Indonesia sa larangang ito.
Sa magkasanib na preskon nila ni Ryamizard Ryacudu, Ministro ng Depensa ng Indonesia, sinabi ni Mattis na nitong nakalipas na 10 taon, napakahusay ng kilos ng tropang laban sa terorismo ng Indonesia sa mga gawaing gaya ng pagbibigay-dagok sa terorismo, pangangalaga sa mga sibilyan sa teroristikong banta, at iba pa. Maraming karanasan aniya ang matututuhan kanyang bansa. Ang terorismo ay mahalagang hamong kinakaharap ng buong mundo, at walang isang bansa ang maaaring nagsasariling humarap sa terorismo, dagdag pa ni Mattis.
Pinupurian din niya ang magkakasanib na kooperasyong laban sa terorismo ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Aniya, magkakasamang nagbigay-dagok sa terorismo ang nasabing tatlong bansa sa kani-kanilang rehiyong pandagat, bagay na humadlang sa pagkalat ng ekstrimistikong organisasyong Islamic State (IS), at naging modelo ng pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa terorismo.
Sinimulan ni Mattis ang kanyang 2-araw na pagdalaw sa Indonesia noong ika-21 ng Enero.
Salin: Vera