Beijing — Ipinahayag Miyerkules, Mayo 17, 2018, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na umaasa siyang maayos na malulutas ng Tsina at Amerika ang kanilang trade dispute sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Aniya, hindi ninanais makita ng panig Tsino na lalala ang trade dispute ng dalawang bansa, ngunit handa na ito para harapin ang iba't-ibang uri ng posibilidad.
Dagdag pa niya, umaasa ang Tsina na sa prinsipyo ng paggagalangan sa isa't-isa, at pantay na pagsasanggunian, maayos na malulutas ang alitan ng dalawang panig upang magkasamang mapasulong ang kanilang relasyon.
Salin: Li Feng