|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Binuksan Huwebes, Mayo 17, 2018 ang Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition. Kalahok sa eksibisyong ito ang mga eksibitor mula sa mahigit 50 bansa at rehiyon.
Booth ng Pasuguan ng Pilipinas sa Ika-15 China International Film & TV Programs Exhibition
Ang kasalukuyang eksibisyon ay itinaguyod ng China Media Group (CMG). Halos 80,000 namumukod na TV series, pelikula, dokumentaryo, animation, TV column ang itinatanghal.
Isinalaysay ni Ginang Shen Jianing, General Manager ng China Radio, Film & Television Programs Exchanging Center, na ito ang kauna-unahang pagkakataon na itinaguyod ng bagong China Media Group ang nasabing eksibisyon. Mahalagang mahalaga aniya ang katuturan nito para sa komprehensibong pagdidispley ng kalagayan ng pag-unlad ng industriya ng pelikula at TV ng Tsina, at pagpapasulong sa malusog na pag-unlad ng industriyang ito.
Upang mapasulong ang pagpapalaganap ng kulturang Tsino sa ibayong dagat, nilagdaan ng National Multi-Lingual Movie & TV Translation & Production Base ng CMG, kasama ng mga pangunahing media ng mahigit 30 bansa ng Asya, Aprika, Europa, Amerika at Oceania ang kasunduan sa pagsasahimpapawid ng "Teatrong Tsino." Ayon dito, mapapanood na sa mga TV station ng kaukulang bansa, sa regular na oras ang mga sinaling namumukod na pelikula at TV programs.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |