Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paggamit ng CRI sa New Media, inilahad sa delegasyon ng Mediang Pilipino

(GMT+08:00) 2018-05-18 18:43:30       CRI

Group picture ng delegasyon ng Mediang Pilipino kasama ng ilang staff ng CRI Filipino Service

22 kinatawan mula sa pampamahalaan at pribadong media ng Pilipinas ang kasalakuyang lumalahok sa pagdalaw sa Tsina na tatagal hanggang Mayo 30,2018. Nitong Biyernes, Mayo 18, 2018, pinasyalan ng delegasyon ang China Radio International.

Group picture ng delegasyon ng Mediang Pilipino

Ang pagbisita sa CRI ay nagbigay ng oportunidad sa mga media officials, mamamahayag at information officers mula sa Pilipinas na malaman ang galaw ng mainstream media lalo na sa aspekto ng new media.

Mo Han, host ng EZFM, sa presentasyon

Jade Xian, Direktor ng CRI Filipino Service sa presentasyon

Sa kanilang presentasyon, inilahad nina Mo Han, host ng EZFM ng CRI at Jade Xian, Direktor ng CRI Filipino Service, ang paggamit ng new media bilang plataporma ng kani-kanilang mga programa upang mas madaling maabot ang mga tagapakinig. Ibinahagi rin ni Jade Xian ang mga mahahalagang proyekto na isinasagawa ng CRI kasama ng mga media partners sa Pilipinas para isulong ang pagpapalitan ng impormasyon at kooperasyon na bunga ng mabuting ugnayang Sino-Pilipino.

Noel Alamar, Reporter ng DZMM, sa panayam

Bilang reaksyon sinabi ni Noel Alamar, Reporter ng DZMM, "Marami akong natutunang mga bagong konsepto na pwedeng i-apply sa Pilipinas. Napahanga ako sa advancement ng technology ng China pagdating sa broadcast. Ang resulta ng byaheng ito ay gusto kong i-share sa mga kaopisina at opisyal ng DZMM para pag-aralan o tingan kung pwedeng i-adopt para mas marami ang audience na mareach ng aming istasyon."

King Anthony Perez, Online Editor ng Cebu Daily News, sa panayam

Samantala sinabi naman ni King Anthony Perez, Online Editor ng Cebu Daily News na bagong kaalaman sa kanya ang napakasulong ng sistema ng pagpapatakbo ng broadcast media sa Tsina. Matapos mapakinggan ang mga new media presentations, sinabi niyang kahit pribado ang kanyang kumpanya, hindi pa nila kaya ang ganito ka-high tech na mga inobasyon. Humanga siya sa mobile APP na ginagamit ng CRI para madaling mapakinggan ang mga program ng publiko saan man, kahit kailan.

Marlon Simbahon, Program Director ng Radio Mindanao Network, sa panayam

Program Director si Marlon Simbahon sa Radio Mindanao Network, at sa kanyang pananaw, sa pamamagitan ng mga programa ng CRI malalaman ang tunay na kalagayan at totoong mga nangyayari sa Tsina dahil aniya sa Pilipinas iba ang impresyon hinggil sa Tsina ng mga Pilipino. Bukas aniya ang RMN sa pagkakaroon ng kooperasyon upang makapaglahad ng makatotohanang impormasyon na bahagi ng kanilang serbisyo sa publiko.

Benjie Felipe, Direktor ng PCOO, sa panayam

Pinahalagahan naman ni Benjie Felipe, Direktor ng Presidential Communications Operations Office ang Belt and Road Initiative (BRI) at kaniyang kinilala ang malaking bentahe nito para sa Pilipinas. Malaki ang maiaambag aniya ng media upang ilahad sa masa ang katotohahan hingil sa BRI dahil maraming maling akala ang publiko sa tunay na hangarin ng nasabing proyekto. Aniya pa dapat magsilbing tulay ang media at hanapin ang katotohanan sa pamamagitan ng sariling pananaliksik. "Kapag nakita ang lahat ng bagay, madaling timbangin at kapag nakita ang tamang daan, doon dapat simulan (ng media) ang pagpapaliwanag sa mga Pilipino sa paraang apolitikal" dagdag pa niya.

Ang pagdalaw ay itinataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina. Bukod sa pagdalo sa mga lectures na magbibigay kaalaman hinggil sa iba't ibang paksa tungkol sa Tsina, ang grupo ay dadalaw din sa mga media organizations, economic zones at sa pagawaan ng Oishi na matatagpuan sa lalawigan ng Jiangxi.

Ilang miyembro ng delegasyong Pilipino sa presentasyon

Ilang miyembro ng delegasyong Pilipino, habang bumibisita sa eksibisyon hinggil sa CRI

Ilang miyembro ng delegasyong Pilipino sa loob ng istudyo ng Filipino Service

Ulat: Mac
Larawan: Sissi/Lele
Web-edit: Frank/Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>