|
||||||||
|
||
Ang mga delegasyon ng Tsina at Pilipinas, sa kanilang pagpupulong bago ang paglagada ng dokumento
Manila, Pilipinas--Nilagdaan Biyernes, Pebrero 9, 2018 nina Jin Yuan, Economic and Commercial Counsellor ng Tsina sa Pilipinas, at Noel George P. Puyat, Undersecretary for Administration and Finance ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng Pilipinas, ang isang dokumento para tulungan ang Philippine Broadcasting Service (PBS) para palakasin ang kakayahan nito sa pagsasahimpapawid sa buong bansa. Ang naturang kasunduan ay nagkakahalaga ng 10 milyong yuan RMB o halos 82 milyong Piso.
Sina Jin Yuan at Noel Puyat habang lumalagda sa dokumento
Sa seremonya ng paglagda, ipinangako ng panig Tsino na ipagkakaloob ang mga kagamitan na gaya ng AM at FM transmitters, FM Antennas, On-Air Studio Equipment at mga basic support equipment. Ang naturang mga kagamitan ay ilalagay sa mga istasyon ng PBS sa Davao, Cebu, Cagayan de Oro, Batanes at Tawi-tawi.
Samantala, sinabi ni Zhang Honghui, Senior Engineer at Professor Grade ng State Development and Investment Corp, at puno ng delegasyong Tsino sa pagsusuri ng kondisyon ng mga radio station ng PBS, na pagkatapos ng update sa kondisyon ng mga istasyon ng PBS sa nasabing limang lugar, magiging mas malakas ang kakahayan nito sa pagsasahimpapawid sa buong bansang Pilipino.
Si Noel George P. Puyat, Undersecretary for Administration and Finance ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng Pilipinas
Pinasalamatan naman ni Puyat ang pagtulong ng Tsina sa pamumuhay ng mga Pilipino, lalo na sa mga probinsya. Sinabi niyang ang radyo ay may mahabang kasaysayan at mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Pilipino. Aniya pa, hindi lamang ginagamit ng mga Pilipino ng radyo para tumanggap sa balita at impormasyon, kundi para rin ito sa kanilang pangangailangang pangkultura at panlibangan.
Si Jin Yuan, Economic and Commercial Counsellor ng Tsina sa Pilipinas
Umaasa naman si Jin Yuan na darating sa Pilipinas ang nasabing mga kagamitan sa lalong madaling panahon, para maabot ng signal ng mga radyo ng PBS ang mga liblib na lugar ng bansa. Ito aniya ay para matamasa ng mas maraming Pilipino ang mga dekalidad na programa sa radyo.
(L-R) Sina Redentor Domingo, Acting Chief ng Engineering Division ng PBS; Jin Yuan; Noel George P. Puyat; at Zhang Honghui
Ayon sa nasabing dokumento, makaraang dumating ng nasabing mga kagamitan, tuturuan ng panig Tsino ang mga tauhan ng PBS kung papaano ikabit at gamitin ang mga ito. Nakasaad din sa dokumento na, ipagkakaloob ng panig Tsino ang mga serbisyo ng pagkukumpuni at pagmimintena sa loob ng dalawang taon, matapos simulang gamitin ng PBS ng mga ito.
Ulat at Larawan: Ernest
Pulido: Rhio
Web editor: Frank
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |