|
||||||||
|
||
Yangon, Myanmar—Huwebes, Mayo 17, 2018, binuksan ang China-Myanmar (Yangon) Trade Fair 2018. Ito ang kauna-unahang pagtatanghal na itinaguyod ng China-ASEAN Expo (CAExpo) sa Myanmar.
Si Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar
Ipinahayag ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na pahigpit nang pahigpit ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Myanmar, at ang pagtataguyod ng CAExpo, sa nasabing pagtatanghal ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng kapuwa panig sa isa't isa. Nananalig aniya siyang magkakaloob ang nasabing trade fair ng mas maraming pagkakataong komersyal para sa kooperasyon ng mga mangangalakal ng kapuwa panig, at kooperasyon sa Belt and Road at economic corridor ng Tsina at Myanmar.
Si Thant Myint, Ministro ng Komersyo ng Myanmar
Ayon naman kay Thant Myint, Ministro ng Komersyo ng Myanmar, layon ng nasabing perya na palawakin ang pagpapalitang komersyal at pangkalakalan ng Tsina at Myanmar, pahigpitin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at pataasin ang ibayo pang paglago ng halaga ng kalakalan at pamumuhunan ng kapuwa panig. Inaasahan niyang sasamantalahin ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa ang pagkakataon para mapasulong ang kooperasyon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |