Idaraos ang ika-15 China-ASEAN Expo (CAExpo) sa Nanning, Guangxi, Tsina mula ika-12 hanggang ika-15 ng Setyembre ngayong taon. Ang tema ng expo na ito ay "Magkakasamang Itatag ang Maritime Silk Road sa Ika-21 Siglo, Buuin ang Komunidad ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN."
Ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) , at Taon ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN.
Ayon sa datos, umabot sa 514.8 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN noong taong 2017, at lumaki ng 13.8% kumpara noong 2016. At ang pagluluwas ng Tsina sa ASEAN ay umabot sa 279.1 bilyong dolyares na lumaki ng 9%, at ang pag-aangkat ng Tsina mula sa ASEAN ay nasa 235.7 bilyong dolyares na lumaki ng 20% kumpara noong 2016.
salin:Lele