Noong ika-21 ng Mayo, 2018, ipinahayag dito sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang komong palagay na narating ng pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan ay angkop sa interes ng Tsina at Amerika.
Noong isang linggo, pumunta ang delegasyong pinamumunuan ni Liu He, Sugo ni Pangulong Xi Jinping at pangalawang Premiyer ng Tsina sa Amerika para sa pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan. Narating ng dalawang panig ang komong palagay na ititigil ang digmaang pangkalakalan at pagtataas ng taripa sa isa't isa.
Hangga't maaari ayaw aniya ang Tsina na magkakaroon ng anumang tensyon sa pagitan ng Tsina at Amerika sa kalakalan o iba pang larangan. Ang pananatili ng mainam na relasyon at kooperasyon ng dalawang malaking bansa ay mas angkop sa interes ng mga mamamayan, at nagdudulot ng benepisyo sa daigdig.
Ani Lu, kahit sa short-term, kung maaaring marating ang mabuting kasunduan at bungang tinatanggap ng kapuwa dalawang panig, dapat sundin ito ng dalawang panig. Umaasa ang Tsina na hingi mangyayari ang reversion sa parte ng Amerika.
Tinukoy din ni Lu na sa 40 taong kasaysayan ng pagpapalitan ng Tsina at Amerika, madalas na nagkakaroon ng "ups and downs." Kasabay ng pagkakaroon ng maraming interaksyon sa pagitan ng dalawang malaking ekonomya, posibleng lumitaw ang bagong hidwaan at pagkakaiba. Pero, kung isaalang-alang ng kapuwa dalawang panig na ang pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay angkop sa interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, saka, mas mabuting hawakan ang pagkakaiba, maiiwasang magkakaroon ng reversion.